Every day the farmer entreated her to exert herself less, and every day she promised that she would do just as he asked, but that was all soon forgotten at the sound of neighing horses or an inviting breeze drifting in through the wide slatted windows of their large old house. She continued to exert herself thoroughly, until the day she tried to catch her breath and never quite caught it again. She passed away on the summer of their sixth year of marriage, and left behind their little son, Francisco.
|
Araw-araw, nagsusumamo ang haciendero sa asawang huwag masyadong pagurin ang sarili, at lagi, nangangako itong susunod sa pakiusap niya. Ngunit tuwing naririnig niya ang halinghing ng mga kabayo at nasasamyo ang mapanghalinang simoy ng hangin na labas-masok sa malalapad na bintana ng kanilang malaki at lumang bahay, nalilimutan na niya ang lahat. Pinagod niya nang husto ang kaniyang sarili, hanggang isang araw ay tinakasan na siya ng hininga, at hindi na niya ito muling nahabol pa. Pumanaw ang kabiyak ng haciendero noong tag-araw ng ika-anim na taon ng kanilang pagsasama, at naulila ang kanilang munting supling na si Francisco.
|